Black aasa sa himala

MAY himala!

The post Black aasa sa himala first appeared on Abante.

black aasa sa himala - Black aasa sa himala
abante aron black - Black aasa sa himala

MAY himala!

Magkahalong tuwa at pasasalamat ang feeling sa kasalukuyan ni incoming Meralco sophomore pro Aaron Black nang mapabilang sa top three Outstanding Rookie award candidates ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Online Awards sa Linggo, January 17.

“Definitely an honor to be considered as one of the better rookies of the (Philippine Cup) bubble,” bulalas Sabado ng former Ateneo Blue King Eagle at anak ni Bolts coach Norman Black.

Ang pagkakapuwesto sa No. 2 ng nakababatang Black sa statistical points (SPs) para sa nasabing karangal ang ginawa niyang motibasyon dahil kahit aniya ‘di bigatin at ‘di kabilang siya sa top rookie prospects, kaya pa rin niyang humantong sa magandang posisyon.

“Even if you are drafted in the third or fourth round, if you work your butt off and you have the opportunity to show what you work for, I think it’s possible,” positibong pananaw ng 24-year-old, 6-foot-1 lefty guard.

Nahugot sa second round, 18th pick overall sa 35th PBA Rookie Draft 2019 si Aaronb kahit matinik na player ang ang amang si Norman.

Siya’y humihinga sa batok sa SPs ni Roosevelt Adams ng Terrafirma at ungos kina Kevin Barkley Eboña ng Alaska Milk, Aris Dionisio ng Magnolia Hotshots at Arvin Tolentino ng Barangay Ginebra San Miguel (Aivan Denzel Episcope)

The post Black aasa sa himala first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *