Bitoon, Manila Stars tinaob ang Navotas

Bitoon, Manila Stars tinaob ang Navotas

TUMIKADA ng magkahiwalay na panalo ang Manila Stars at General Santos Warriors Miyerkoles ng gabi upang palakasin ang kani-kanilang playoff drive sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Season 2019 sa San Andres Sports Complex.

bitoon manila stars tinaob ang navotas - Bitoon, Manila Stars tinaob ang Navotas
manila 9 - Bitoon, Manila Stars tinaob ang Navotas

TUMIKADA ng magkahiwalay na panalo ang Manila Stars at General Santos Warriors Miyerkoles ng gabi upang palakasin ang kani-kanilang playoff drive sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Season 2019 sa San Andres Sports Complex.

Sa pangunguna nina Chris Bitoon, Aris Dionisio at Gian Lloyd Abrigo, sinalya ng Manila (12-2) ang Navotas Uni-Pak Sardines, 96-91, upang dumikit sa record ng defending champion San Juan Knights (13-1).

Laglag sa 3-10 ang Navotas.

Samantala, nagpasabog ng 23 points si Juju Bautista habang may 14 markers at 11 assists si Pamboy Raymundo para bumida sa GenSan laban sa Pasig Sta. Lucia Realtors, 91-82, para upuan ang ikatlong pwesto sa Group B ng South Division hawak ang 11-4 karta.

Angat naman sa 5-8 win-loss record ang Cebu City Sharks nang kargahin ng 28 marka ni William McAloney kontra Zamboanga Family’s Brand Sardines, 74-70, sa ikalawang laro nitong Miyerkoles.

Top 8 team lang sa bawat division ang makakaangat sa playoffs ng torneo. (Aivan U. Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *