Bishop Blue may binatbat

PAKAKAWALAN ang 11 tigasing kabayo sa magaganap na 2020 Philracom 3-Year-Old Locally Bred Stakes Race sa Sabado sa pista ng Santa Ana sa Naic, Cavite.

The post Bishop Blue may binatbat first appeared on Abante.

bishop blue may binatbat - Bishop Blue may binatbat
horse - Bishop Blue may binatbat

PAKAKAWALAN ang 11 tigasing kabayo sa magaganap na 2020 Philracom 3-Year-Old Locally Bred Stakes Race sa Sabado sa pista ng Santa Ana sa Naic, Cavite.

Bagama’t hindi pa opisyal dahil nagsaad pa lamang sila ng pagsali ay inaasahang magandang bakbakan ang masisilayan ng mga karerista.

Kanya-kanyang opinyon ng mga tiyempista sa karerahan, may nagsasabing lamang si Bishop Blue sa laban ang iba naman ay sina Noon Bell at Super Shelltex ang napipisil.

“Kay Bishop Blue ako lalagay at Super Shelltex malaki tsansa nila maganda ikinikilos nila,” hayag ni Cezar Gonzales.

Ang ibang naghayag ng pagsali ay sina After Party, Bourne Wardini, Cool Mom, Drummer Girl, La Republika, Nicole’s Favorite, Parokya ni Paolo at Radio Gaga.

Wala pang nakatokang hinete sa event na may distansyang 1,800 metro at suportado ng Philippine Racing Commission. (Elech Dawa)

The post Bishop Blue may binatbat first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *