‘Binyag’ ni Thirdy sa Nobyembre 7

TIYAK na madadagdagan ang angas ng San-en NeoPhoenix dahil makakapaglaro na ang kanilang import na si Pinoy collegiate star Thirdy Ravena.

The post ‘Binyag’ ni Thirdy sa Nobyembre 7 first appeared on Abante.

binyag ni thirdy sa nobyembre 7 - ‘Binyag’ ni Thirdy sa Nobyembre 7
ravena - ‘Binyag’ ni Thirdy sa Nobyembre 7

TIYAK na madadagdagan ang angas ng San-en NeoPhoenix dahil makakapaglaro na ang kanilang import na si Pinoy collegiate star Thirdy Ravena.

Nag-ensayo na si former UAAP champion Ravena sa San-en NeoPhoenix matapos makumpleto ang 14-day quarantine.

Masisilayan ang debut game ni Ravena sa Nobyembre 7 para akbayan ang kanyang koponan kontra Shimane Susanoo Magic sa Japan B League.

Umaasa ang mga kakampi ni Ravena na matutulungan sila na umangat ang team nila na nangungulelat.

Isang panalo pa lang ang San-en NeoPhoenix, tinalo nila ang Kyoto Hannaryz, 94-75, noong Oct. 28.

Hindi agad nakarating sa Japan si Ravena dahil nagkaroon ng problema sa kanyang visa. (Elech Dawa)

The post ‘Binyag’ ni Thirdy sa Nobyembre 7 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *