‘Big Event’ larga sa Pasay ngayon

SA pambihirang pagkakataon, tatlong world sabong champions ang magtatagpo ngayon, Biyernes, Mar. 22 sa Pasay City Cockpit para sa “Fa Fa Fa Big Event 6-Cock Derby” (lampas 100 sultada).

The post ‘Big Event’ larga sa Pasay ngayon appeared first on Abante News Online.

big event larga sa pasay ngayon - ‘Big Event’ larga sa Pasay ngayon
sabong 2 - ‘Big Event’ larga sa Pasay ngayon

SA pambihirang pagkakataon, tatlong world sabong champions ang magtatagpo ngayon, Biyernes, Mar. 22 sa Pasay City Cockpit para sa “Fa Fa Fa Big Event 6-Cock Derby” (lampas 100 sultada).

Imbitado ni host Femie Medina ng Rizal ang mga kampeong sina Gov. Claude Bautista at American Chris Copas­ (World Slasher Cup 1), sabong idol Patrick Antonio (World Pitmasters Cup) at Raffy Zaide (NCA World Championship).

Isasagupa ni Gov. Bautista ang Copas Bowling Green roundheads, na gagamitin din sa WSC 2 (May 27 hanggang June 2) sa Smart Araneta Coliseum.

Kasali rin sa derbing hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000 sina sabong heavyweights Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Mayor Nene Aguilar, Arman Santos, dating Gov. Ito Ynares, Firefly 13 group, Richard Perez, Rodolfo Pineda, Mayor Max Roxas, Cholo Violago, Ador Pleyto, Ricky Magtuto at JR Tolentino. 

Dalawa pang derbi ang handog ng PCC ngayong buwan:  “LGBA 7-Bullstag Derby” finals (Mar. 25) at “Be My Guest 5-Cock Derby” (Mar. 29).

Sampu (10) sa 81 entries na ang may tatlong panalo sa LGBA derby. 

Sa detalye: 0945-4917474 (Erica); 0939-4724206 (Ace) or 843-1746 at 816-6750. (Enjel Manato)

The post ‘Big Event’ larga sa Pasay ngayon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *