‘Best teammate’ ni James: Wade sapaw kay Anthony

APAT na taon naging magkakampi sina Dwyane Wade at LeBron James sa Miami Heat, nagbunga ito ng dalawang kampeonato.

The post ‘Best teammate’ ni James: Wade sapaw kay Anthony first appeared on Abante.

best teammate ni james wade sapaw kay anthony - ‘Best teammate’ ni James: Wade sapaw kay Anthony
abante wade lebron davis - ‘Best teammate’ ni James: Wade sapaw kay Anthony

APAT na taon naging magkakampi sina Dwyane Wade at LeBron James sa Miami Heat, nagbunga ito ng dalawang kampeonato.

Maraming nagsasabi na ang Wade-LeBron duo ang isa sa pinakamalakas na tandem sa NBA, ngunit hindi ito ang pananaw mismo ng Heat legend.

Sumang-ayon si Wade sa naging pahayag ni Kendrick Perkins, na si Anthony Davis ang ‘best teammate’ ni LeBron.

Kung titingnan ang stats, ang tambalan nina Davis at James ay isa sa pinaka-efficient na duo pagdating sa scoring, kumakamada ng higit 25 puntos kada laro sa 50-percent shooting, na kapantay ng ginawa noon nina Michael Jordan at Scottie Pippen na sumungkit ng anim na kampeonato para sa Chicago Bulls. (Raymark Patriarca)

The post ‘Best teammate’ ni James: Wade sapaw kay Anthony first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *