Best Import: Jones kontra McCullough

MAGTUTUOS sa Finals ng PBA Commissioner’s Cup sina Terrence Jones ng TNT at Chris McCullough ng San Miguel.

best import jones kontra mccullough - Best Import: Jones kontra McCullough
ABANTE san - Best Import: Jones kontra McCullough

MAGTUTUOS sa Finals ng PBA Commissioner’s Cup sina Terrence Jones ng TNT at Chris McCullough ng San Miguel.

Silang dalawa na rin ang naggigitgitan sa Best Import award.

Tapos ng semis, nasa unahan ng karera si Jones sa 58.2 statistical points, binaba sa second si reigning Best Import Justin Brownlee ng Ginebra sa 57.5.

Nasa likod lang nila si McCullough (55.7).

Posibleng magkatalo sa balota, lalo sa mga unang yugto ng tapatan nina McCullough at Jones sa best-of-seven series.

Ibibigay ang award bago ang Game 4 sa Aug. 11 sa Smart Araneta Coliseum.

Sa bihirang pagkakataon, tapatan sa championship round ang dalawang dating­ first-round picks sa NBA – si Jones na 18th ng Houston Rockets noong 2012, at si McCullough na 29th ng Brooklyn Nets noong 2015.

Maagang nagpasiklab si Jones, mula sa eliminations hanggang semis ay naglista ng limang triple-doubles. Papasok ng finals, naga-average siya ng 30.2 points, 15.7 rebounds, 7.5 assists, 1.5 steals at 2.8 blocks.

Nagsusumite si McCullough ng 33.0 points, 13.5 rebounds, 3.3 assists, 1.5 steals at 2.5 blocks bawat salang. (Vladi Eduarte)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *