Ben isasawsaw kina Steph, Klay

MARAMING nagkaka-interest sa second-overall pick ng Golden State Warriors sa darating na NBA Draft.

The post Ben isasawsaw kina Steph, Klay first appeared on Abante.

ben isasawsaw kina steph klay - Ben isasawsaw kina Steph, Klay
Ben Simmons - Ben isasawsaw kina Steph, Klay

MARAMING nagkaka-interest sa second-overall pick ng Golden State Warriors sa darating na NBA Draft.

Hilahod ang Warriors sa 2019-20 season matapos na magkaroon ng injuries sina Stephen Curry at Klay Thompson.

At ngayong mainam na at handa nang sumabak sina Curry at Thompson ay gagamitin ng GSW ang kanilang pick para mapalakas ang kanilang armas sa susunod na NBA season.

Isa sa mga interesado sa 2nd pick ng Warriors ay ang Philadelphia 76ers.

May malakas na players ang Sixers, ito’y sina Joel Embiid at Ben Simmons, pero hindi naaayon ang istilo ng kanilang laro sa isa’t-isa.

Kaya naman balitang ibabala ng Sixers sina 6-foot-10 point guard at All-Star Simmons at dating star center Al Horford para makuha nila ang second overall pick ng Warriors at Andrew Wiggins.

Ayon sa mga NBA analysts, parehong pabor sa bawat teams ang nasabing trade kaya posibleng magkatotoo ang balita. (Elech Dawa)

The post Ben isasawsaw kina Steph, Klay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *