Belo mambabarako

MAS malaking papel ang gagampanan ni Mac Belo sa kampanya ng Blackwater sa PBA restart sa Pampanga.

The post Belo mambabarako first appeared on Abante.

belo mambabarako - Belo mambabarako
Mac Belo - Belo mambabarako

MAS malaking papel ang gagampanan ni Mac Belo sa kampanya ng Blackwater sa PBA restart sa Pampanga.

Nakarekober na si Belo mula knee surgery, ready nang bumalik ng court ang 27-anyos.

Nawalan ng isang big ang Elite dahil nagdesisyong huwag nang sumama sa Clark bubble si Carl Bryan Cruz.

Makakatuwang ni Belo si Marion Magat sa frontline ng Elite, masusubukan din nang husto si rookie Maurice Shaw.

Hype ang sampa sa PBA ni Shaw, sa edad na 35 ay pinakamatanda sa 2019 rookie class. No. 2 pick ng Blackwater ang Fil-Am noong December draft.

Brusko rin si Shaw sa taas na 6-foot-9, tiyak na maraming pahihirapan sa loob.

Nakabuti pa sa Elite ang pitong buwang pagkawala ng PBA dahil nakapagpagaling si Belo mula sa minor operation bago ang season start noong March.

“Yes, makakalaro na ako!” excited na balita ni Belo.

Nakumpleto ng 6-foot-4 forward ang rehabilitasyon at therapy pagkatapos ng surgery.

Ang stretch-four ding si Cruz, maiiwan sa Metro Manila habang tuloy ang therapy mula sa knee surgery din. (VE)

The post Belo mambabarako first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *