Bell, Niemer isasampa ang Petron sa finale

WALANG ibang nasa kukote ng defending champion Petron Blaze Spikers kundi tapusin ang karibal na Cignal HD Spikers sa Game 2 ng Philippine Superliga (PSL) Grand Prix best-of-three semifinal.

The post Bell, Niemer isasampa ang Petron sa finale appeared first on Abante News Online.

bell niemer isasampa ang petron sa finale - Bell, Niemer isasampa ang Petron sa finale
Abante 2019 Petron Blaze Spikers 1 - Bell, Niemer isasampa ang Petron sa finale

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
4:15 p.m. – Cignal vs Petron
7:00 p.m. – PLDT vs F2 Logistics

WALANG ibang nasa kukote ng defending champion Petron Blaze Spikers kundi tapusin ang karibal na Cignal HD Spikers sa Game 2 ng Philippine Superliga (PSL) Grand Prix best-of-three semifinal.

Isang hakbang na lang at sasampa na ang Blaze Spikers sa championship round matapos kalusin sa apat na sets ang HD Spikers 20-25, 25-14, 25-13, 25–18 noong Martes.

Nalasap ng Blaze Spikers ang pangalawang set loss nang yumuko sila sa first frame, subalit bigla bumangis sina imports Katherine Bell at Stephanie Niemer para akbayan ang Petron sa panalo.

Muling kakapitan ng Petron sina Bell at Niemer pagharap nila sa HD Spikers ngayong alas-4:15 ng hapon sa FilOil Flying V Center, San Juan.

Best-of-three ang banatan kaya bawal ng kumurap ang HD Spikers.
“I think losing a set is part of the game,” saad ni Petron coach Shaq Delos Santos. (Elech Dawa)

The post Bell, Niemer isasampa ang Petron sa finale appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *