Beli Bell bumandera

NILADLAD ni Beli Bell ang tikas sa banderahan para mapanalunan ang 3-Year-Old & Above Maiden Race Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

The post Beli Bell bumandera first appeared on Abante.

beli bell bumandera - Beli Bell bumandera
kabayo 4 - Beli Bell bumandera

NILADLAD ni Beli Bell ang tikas sa banderahan para mapanalunan ang 3-Year-Old & Above Maiden Race Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Pautay-utay na dinamba ng kabayong mula sa Bell Racing Stable ni Elmer de Leon, ang unahan para hawakan ang apat na kabayong bentahe pa-backstretch at hanggang meta sa pinosteng 1:18:.4 sa 1,300-meter race sa paggabay ni star jockey Jonathan Hernandez.

“Ang husay ni Beli Bell sa ipinakitang takbo. Puwedeng maging kampeon balang araw,” komento ng kareristang taga-Carmona, Cavite na si Joselito Madrasto, na nagbigay rin ng P10,000 kay De Leon mula sa nagtaguyod ng okasyon na Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Kabuuang anim na kabayo ang inagwat ng winning horse sa sumegundong si Mutya Ng Ibaan, tersero si Abetski habang pumang-apat si Ninong. (Elech Dawa)

The post Beli Bell bumandera first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *