Belga tsibog lang solb na

MATAPOS ang ibinahaging komento ni Adamson Soaring Falcons head coach Franz Pumaren patungkol sa “out of control” college recruitment, nagbigay rin ng saloobin rito si PBA star Beau Belga.

belga tsibog lang solb na - Belga tsibog lang solb na
abante belga 1 - Belga tsibog lang solb na

MATAPOS ang ibinahaging komento ni Adamson Soaring Falcons head coach Franz Pumaren patungkol sa “out of control” college recruitment, nagbigay rin ng saloobin rito si PBA star Beau Belga.

Sa panayam ni Pumaren sa Coaches Unfiltered podcast, inihayag ng basketball mentor ang ‘bakbakan’ ngayon sa recruitment ng collegiate level.

“Ngayon, ibang-iba na ang way of recruiting eh. Dati ang first question lang, ‘Do you want to play for us?’ Kapag sinabing yes, then probably we can work out something. Ngayon when you recruit players, sad to say laging, ‘What’s in it for me and my family?’ It’s sad for me to say but it’s getting out of control,” wika ni 55-year-old Pumaren.

Sumang-ayon naman rito ang Rain or Shine big man.

“Eto ang nakakalungkot na katotohanan. Kasi dati libreng aral at konting allowance lang. Okay na,” sey ni Belga.

Ibinahagi rin ni Belga na sapat na sa kanya at sa mga teammate sa PCU Dolphins na sina basketball icon Jayson Castro at Gabby Espinas noon ang “saktong allowance at pagkaing 3x a day”.

Mensahe pa ng sikat na basketbolista, “sana yan ang maunawaan ng mga batang nangangarap din na maabot ang kanilang hinahangad.” (JAT)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *