Bedart-Ghani, UVC lumusot sa karayom

DUMAAN sa butas ng karayom ang United Volleyball Club bago nakuha ang panalo sa Sta. Lucia Lady Realtors 21-25, 25-18, 23-25, 25-14, 15-11 Superliga Grand Prix kahapon sa FilOil Flying­ V Centre sa San Juan.

The post Bedart-Ghani, UVC lumusot sa karayom appeared first on Abante News Online.

bedart ghani uvc lumusot sa karayom - Bedart-Ghani, UVC lumusot sa karayom
Abante 2019 UVC 1 - Bedart-Ghani, UVC lumusot sa karayom

DUMAAN sa butas ng karayom ang United Volleyball Club bago nakuha ang panalo sa Sta. Lucia Lady Realtors 21-25, 25-18, 23-25, 25-14, 15-11 Superliga Grand Prix kahapon sa FilOil Flying­ V Centre sa San Juan.

Nangamada si import Yaasmeen Bedart-Ghani ng 21 attacks at apat na blocks upang akbayan ang United VC sa kanilang pangpitong panalo sa 14 na laro.

Nasa panglimang puwesto ang UVC sa team standings puwede pa silang makahirit sa No. 4 kung matatalo ang Cignal HD Spikers, (7-6) sa last year’s runner-up F2 Logistics Cargo Movers, (10-3) na naglalaro na habang tinitipa ang istoryang ito.

Mabibiyayaan ng twice-to-beat advantage ang top four teams sa quarterfinals kung saan ay isa na lang ang pinaglalabanan.

Nasilo ng top seed at defending­ champion Petron Blaze Spikers, (14-0), Cargo Movers­ at No. 3 PLDT Fibr, (8-6) ang tatlong slots sa event na suportado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.

Sakaling manalo ang HD Spikers, mananatili sa No. 5 ang UVC at makakalaban nila sa susunod na phase ang No. 4 team.

Para sa Lady Realtors (2-12), laglag sila sa No. 8 kaya makakaharap nila sa quarters ang Blaze Spikers, pero may tsansa pang makaiwas ang Sta. Lucia kung matatalo ang Foton Tornadoes (2-11) sa Generika-Ayala Lifesavers, (4-9). (Elech Dawa)

The post Bedart-Ghani, UVC lumusot sa karayom appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *