Beal, Wizards nilunod Suns

Absent si Russell Westbrook, pinangatawanan ni Bradley Beal kung bakit siya ang NBA leading scorer nang bitbitin ang Washington sa start-to-finish na 128-107 pagpapalubog sa Phoenix Lunes ng gabi.

The post Beal, Wizards nilunod Suns first appeared on Abante.

beal wizards nilunod suns - Beal, Wizards nilunod Suns
wizards - Beal, Wizards nilunod Suns

Absent si Russell Westbrook, pinangatawanan ni Bradley Beal kung bakit siya ang NBA leading scorer nang bitbitin ang Washington sa start-to-finish na 128-107 pagpapalubog sa Phoenix Lunes ng gabi.

Isang linggong mawawala si Westbrook dahil sa left quad injury.

Tumabo si Beal ng 34 points, pinalamutian ng 8 rebounds at 9 assists.

Sa naunang dalawang laro, nagsalansan ng 101 points combined si Beal – franchise record-tying 60 kontra Philadelphia at 41 laban sa Boston.

Lumiban si Beal noong Sabado kontra Miami nang isailalim sa health and safety protocol.

Dumistansiya ng 32 ang Washington higit 4 minutes pa sa second quarter. Nilimitahan ng Wizards ang Suns sa 4 for 27 shooting lang sa 3-point range.

Out din sa Washington si center Thomas Bryant dahil sa season-ending knee injury, pinag-start ni coach Scott Brooks si Robin Lopez na rumesponde ng 11 points at 11 rebounds.

Umiskor ng 18 si Davis Bertans sa Wizards, lahat galing sa 3-pointers.

Namuno ang 33 points ni Devin Booker sa Suns, umayuda ng 14 points at 11 assists si Chris Paul. (VE)

The post Beal, Wizards nilunod Suns first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *