Bayanihan spirit ng mga SEAG volunteer

MULING ipapakita ng Pilipinas sa mundo ang kinagigiliwan ng mga dayuhang ugaling espiritu ng bayanihan ng mga volunteers sa pagbalikat ng bansa sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa Subic, Clark, Tarlac, Bulacan at Metro Manila sa darating na Nob. 30-Dis. 11.

bayanihan spirit ng mga seag volunteer - Bayanihan spirit ng mga SEAG volunteer
ABANTE seagames - Bayanihan spirit ng mga SEAG volunteer

MULING ipapakita ng Pilipinas sa mundo ang kinagigiliwan ng mga dayuhang ugaling espiritu ng bayanihan ng mga volunteers sa pagbalikat ng bansa sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa Subic, Clark, Tarlac, Bulacan at Metro Manila sa darating na Nob. 30-Dis. 11.

Ito’y tapos na magsama-sama at mu­ling ipakita ang pinagmamalaki at ma­buting asal ng mga Pilipino sa SEA Games Volunteer Program Launch sa Subic-Clark cluster na dinaluhan ng 500 volunteers sa ASEAN Convention Center.

Magiliw at masayang sinigaw ng mga volunteer ang “I Volunteer” sa okasyon, kulang sa 100 araw bago ang main event na hawak ng Philippine South East Asian Games Organizing Committee.

Dumalo sa pagtitipon sina Philippine Sports Commission Chair William “Butch” Ramirez, Sen. Francis Tolentino, Pampanga Gov. Dennis Pineda at Zambales 2nd Dist. Rep. Cheryl Deloso-Montalla, Capas Tarlac Mayor Rey Catacutan, Subic Bay Metropolitan Authority, Senior Deputy Administrator for Support Services Mon Agregado at Clark Development Corporation
President Noel Manankil para sa suporta at motibasyon sa volunteers.

Ang partner institutions ng Phisgoc para sa SEAG ay ang Columban College Inc, Mondriaan Aura College, Lyceum of Subic Bay, Gordon College,
Philippine Merchant Marine Academy, Subic Bay Colleges Inc, Pres. Ramon Magsaysay State University, St. Joseph College, City College of Angeles at iba pa. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *