Bayang karerista konting tiis na lang

LALONG nananabik ang mga karerista habang papalapit ang araw na kanilang hinihintay sa pagbabalik ng karera.

The post Bayang karerista konting tiis na lang first appeared on Abante.

bayang karerista konting tiis na lang - Bayang karerista konting tiis na lang
horse racing1 - Bayang karerista konting tiis na lang

LALONG nananabik ang mga karerista habang papalapit ang araw na kanilang hinihintay sa pagbabalik ng karera.

Maugong na sa Setyembre magpapakawala ang Philippine Racing Commission (Philracom) ng karera matapos na payagan sila ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mag operate sa ilalm ng General Community Quarantine (GCQ).

“Magandang balita talaga ang pagkakaroon ng karera kaya sana sa lalong madaling panahon masimulan na ang karera,” hayag ni Jessie Golez, kareristang taga-Carmona, Cavite.

Pero may mga usapan din na dahil sa tagal na walang karera ay baka sa Oktubre na ito simulan upang mabigyan ng pagkakataon na maensayo ang mga kabayo at makaiwas sa aksidente.

“Puwede rin para matrangko muna ang mga kabayo baka mabigla sa laban at maging sanhi ng pagkamatay ng kabayo,” ani Ric Manabong na dating palagi sa pista noong nasa Sta. Ana, Manila pa ang karerahan.

Noong Marso hininto ang karera dahil sa pag-atake ng COVID-19, maraming stakes races ang naudlot kaya posibleng kanselahin na lamang tulad ng Triple Crown Series. (Elech Dawa)

The post Bayang karerista konting tiis na lang first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *