Bayang karerista dinehado

HINDI maganda ang simula ng karera ng mga kabayo nitong Linggo sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas dahil nanggigigil sa galit ang mga karerista.

The post Bayang karerista dinehado first appeared on Abante.

bayang karerista dinehado - Bayang karerista dinehado
Karera - Bayang karerista dinehado

HINDI maganda ang simula ng karera ng mga kabayo nitong Linggo sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas dahil nanggigigil sa galit ang mga karerista.

Bukod sa problema sa tayaan, sobrang atrasado ito. Alas-12:00 nang tanghali dapat pasibatin ang unang race, pero ala-1:00 nang hapon na’y hindi pa pumaparada ang mga kabayo.

“Masyado kasi silang nagmamadali, inumpisahan nila ang karera pero ‘yung tayaan ay hindi inayos, ‘di tuloy nila mapatakbo ang Race 1 kasi maliit pa ang sales,” galit na pahayag ni Mansuelo Payatas, kareristang taga Tondo, Maynila.

“Mga hindi nag-iisip. Sana habang nagre-request sila na buksan ang karera ay nag-isip na sila sa mga mangyayari tulad ng tayaan,” naiinis na komento ni AR Jose sa Karera Facebook page.

Pinayagan ng Inter-Agency Task Force na buksan ang karerahan, pero hindi pa kasama ang mga Off-Track Betting stations o OTBs. (Elech Dawa)

The post Bayang karerista dinehado first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *