Batang Evalom bida sa Maiden

PINAKITA ni Batang Evalom ang tikas sa pista ng Metro Manila Turf Club sa Malvar-Tanauan, Batangas nang manalo sa Two-Year-Old Maiden Race nitong Huwebes nang hapon.

batang evalom bida sa maiden - Batang Evalom bida sa Maiden
ABANTE marho horse - Batang Evalom bida sa Maiden

PINAKITA ni Batang Evalom ang tikas sa pista ng Metro Manila Turf Club sa Malvar-Tanauan, Batangas nang manalo sa Two-Year-Old Maiden Race nitong Huwebes nang hapon.

Nagmasid muna si Batang Evalom na nirendahan ni apprentice jockey RJ Tabor sa segundo puwesto, habang nagtatrangka si Mount Arayat.

Papasok ng far turn, kinapitan na ni Batang Evalom si Mount Arayat, nakapanabayan si Dancer’s Image.­

Pahuling kurbada’y hawak na ng winning horse ang unahan at nakabuntot si Dancer’s Image.

“Far Turn pa lang gusto nang kumuha ng bandera ni Batang Evalom kaya binigay ko ang hilig niya, maganda naman at kahit sa rektahan ay ramdam ko na malakas pa siya,” kuwento ni Tabor.

Sa huling 150 metro ng laban, nasa tatlong kabayo na ang agawat ni Batang Evalom kay Dancer’s Image.

Tumersero si Super Shelltex habang pang-apat na dumating sa meta si Mount Arayat.

Nasilo ng nagmamay-ari kay Batang Evalom ang added prize na P10,000 mula sa Philippine Racing Commission. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *