Baser maangas, Bolts umalpas

NAGTULONG sina Baser Amer at rookie Aaron Black sa krusyal na bahagi ng laro upang itulak ang Meralco Bolts sa unang panalo kontra Alaska Aces, 93-81, sa eliminasyon ng 2020 Honda PBA Philippine Cup sa AUF Gym sa Clark, Pampanga.

The post Baser maangas, Bolts umalpas first appeared on Abante.

baser maangas bolts umalpas - Baser maangas, Bolts umalpas
abante baser amer - Baser maangas, Bolts umalpas

Mga Laro Ngayon: (AUF Gym)
4:00pm – NorthPort vs. Phoenix
6:45pm – Ginebra vs. Blackwater

NAGTULONG sina Baser Amer at rookie Aaron Black sa krusyal na bahagi ng laro upang itulak ang Meralco Bolts sa unang panalo kontra Alaska Aces, 93-81, sa eliminasyon ng 2020 Honda PBA Philippine Cup sa AUF Gym sa Clark, Pampanga.

Ibinuhos ng rookie na si Black ang limang sunod na puntos upang unang ilayo ang Bolts sa gitna ng paghahabol ng Aces, 76-58, bago tinapos ng beterano na si Amer ang trabaho sa huling apat na minuto upang ipalasap sa 2019 Governor’s Cup runner-up na Bolts ang panalo.

Huling nagbuhos ang Alaska ng 10-0 bomba tampok ang anim na puntos ni Jeron Teng upang makalapit sa 68-77.

Gayunman, umiskor ng walong sunod na puntos si Amer na tampok ang dalawang tres upang ibigay sa Bolts ang 85-68 abatne.

Tinapos ni Amer ang laro na may 15 puntos at tatlong assists na may 3-of-7 sa tres.

May walong puntos naman si Black.

Nahulog ang Aces sa ikalawang sunod na kabiguan.

Pinilit ng Meralco na agad makawala sa unang hati sa pagliimita sa Alaska sa 12 puntos lamang sa ikalawan yugto subalit hindi ito pinakawalan ng Aces na pinanatili ang laban sa anim na puntos na kalamangan sa 49-35 paghahabol matapos ang 12 minuto.

Kumpara sa umang laro ay ipinamalas ng Bolts ang kinikilalang depensa ng koponan upang mabitbit ang 29-21 abante kontra Aces sa unang yugto. (Lito Oredo)

The post Baser maangas, Bolts umalpas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *