Barroca, Magnolia aprub sa ekstensiyon

Mukhang magtatagal pa ang pagsasama nina Mark Barroca at Magnolia.

The post Barroca, Magnolia aprub sa ekstensiyon first appeared on Abante.

barroca magnolia aprub sa ekstensiyon - Barroca, Magnolia aprub sa ekstensiyon
Mark Barroca - Barroca, Magnolia aprub sa ekstensiyon

Mukhang magtatagal pa ang pagsasama nina Mark Barroca at Magnolia.

Pumirma na raw ang Zamboangueno ng panibagong three-year deal sa Pambansang Manok Hotshots.

Fifth pick overall ng Shopinas.com si Barroca noong 2011 pero agad ding pinamigay sa Magnolia.

Isang dekada at 453 straight games ang nakalipas, Magnolia pa rin siya.

Mula noon, hindi na siya naalis sa team at naging instrumento sa anim na kampeonato ng prangkisa – kasama ang grand slam noong 2014 sa ilalim ni coach Tim Cone pa.

Huling naghari ang Magnolia sa 2018 Governors Cup.

Tandem ng 5-foot-10 guard sa backcourt ng Hotshots si Paul Lee, sama na si Jio Jalalon na madalas ay piyesa rin sa three-guard starting lineup ni coach Chito Victolero.

Silang tatlo ang angkla sa small-ball pero mabilis at makulit sa depensang estilo ng Hotshots.

“Nagpapasalamat ako sa Magnolia management sa tiwala nila sa akin,” anang 34-year-old playmaker. “Kay boss RSA (Ramon S. Ang) boss Alfrancis (Chua) at (team) governor Rene Pardo sa 10 years na pag-serbisyo ko sa team.” (VE)

The post Barroca, Magnolia aprub sa ekstensiyon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *