Bangis ni Marcial lumitaw

BUMABALIK na ang dating bangis ni Olympic Games qualifier Eumir Felix Marcial matapos ang kanyang unang sparring session sa Amerika.

The post Bangis ni Marcial lumitaw first appeared on Abante.

bangis ni marcial lumitaw - Bangis ni Marcial lumitaw
Marcial 1 - Bangis ni Marcial lumitaw

BUMABALIK na ang dating bangis ni Olympic Games qualifier Eumir Felix Marcial matapos ang kanyang unang sparring session sa Amerika.

Matagal na natengga si 25-year-old Marcial kahit sa training ay nahirapan ito dahil sa coronavirus (COVID-19).

Tatlong rounds ang inabot ng sparring ni Marcial kay veteran middleweight Gabriel Rosado sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.

Ayon sa Zamboanga City native, bumalik na ang kumpiyansa nito sa sarili.

“Bumalik iyong kumpiyansa ko pagtapos ng sparring, matagal ako na walang training at laban habang nasa Pilipinas kaya ngayon masasabi ko na tama talaga ang desisyon ko na pumunta dito sa US,” kuwento ni Marcial.

Maliban sa Olympics na idaraos sa Tokyo, Japan ay pinaghahandaan din ng Pinoy middleweight fighter ang kanyang kauna-unahang professional fight sa Disyembre. (Elech Dawa)

The post Bangis ni Marcial lumitaw first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *