Bangis ni Giannis tumapos sa Magic

PORMAL nang sumampa ang Eastern Conference topnotcher sa second round playoffs ng 7th National Basketball Association (NBA) 2019-20 matapos bumangon sa 23 puntos na pagkakalubog at patalsikin ang Orlando Magic, 118-104 kahapon sa Game 5 first round.

The post Bangis ni Giannis tumapos sa Magic first appeared on Abante.

bangis ni giannis tumapos sa magic - Bangis ni Giannis tumapos sa Magic
Buck - Bangis ni Giannis tumapos sa Magic

PORMAL nang sumampa ang Eastern Conference topnotcher sa second round playoffs ng 7th National Basketball Association (NBA) 2019-20 matapos bumangon sa 23 puntos na pagkakalubog at patalsikin ang Orlando Magic, 118-104 kahapon sa Game 5 first round.

Nangalabaw si reigning Most Valuable Player Giannis Antetokounmpo ng 28 points at 17 rebounds upang ilista ang 4-1 win sa best-of-seven playoff sa bubble sa Walt Disney World Resort sa Orlando, Floroda.

Lumaaban ng sabayan ang kulang sa armas na Magic, pero hindi kinaya ang ang lupit ng Bucks lalo na ni Giannis kaya pagdating dulo ay naupos pa rin. Mas maaga pa sana natapos ang serye noong Miyerkoles, pero inantala ng boykot ang liga dahil na pinasimulan nina George Hill at Antetokounmpo.

Ito ay bilang punto sa suporta nila sa racial injustice bunga ng pitong beses na pagkakabaril ng pulis sa isa pang Black man, si Jacob Blake, sa Kenosha, Wisconsin noong Linggo, habang papasok ng kanyang sasakyan na kinaroroonan ng tatlong anak.

Gumapang ang Magic mula sa 23 puntos na pagkakaiwan, naibaba nila ito sa tatlo sa fourth quarter bago kunumpleto ang ratsada na nagpatuliro sa Orlando.

Bumakas si Khris Middleton ng 21 markers, 10 boards at seven assists para sa Milwaukee na susunod makakalaban ang Miami Heat, mas maagang winalis ang Indiana Pacers (4-0).

Nagtala ng double-double na 22 markers at 15 rebounds si center Nikola Vucevic para sa Magic. (Elech Dawa)

The post Bangis ni Giannis tumapos sa Magic first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *