Bambol nahalal muli na PhilCycling chief

Naluklok muli si Congressman Abraham “Bambol” Tolentino bilang pangulo ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) Martes ng hapon kung saan agad nito ipinangako maisagawa ang national championships para sa road, mountain bike at BMX sa 2021 meron man o walang vaccine kontra COVID-19.

The post Bambol nahalal muli na PhilCycling chief first appeared on Abante.

bambol nahalal muli na philcycling chief - Bambol nahalal muli na PhilCycling chief
Bambol 1 - Bambol nahalal muli na PhilCycling chief

Naluklok muli si Congressman Abraham “Bambol” Tolentino bilang pangulo ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) Martes ng hapon kung saan agad nito ipinangako maisagawa ang national championships para sa road, mountain bike at BMX sa 2021 meron man o walang vaccine kontra COVID-19.

Nanatili din sa kanilang puwesto sina Alberto Lina bilang chairman at Oscar “Boying” Rodriguez na vice president, habang ang mga bagong miyembro sa federation board ay sina Alejandro Vidallo (treasurer) at Engr. Greg Monreal (auditor).

Nahalal din bilang miyembro ng board sina Jun Lomibao, Juancho Ramores, Paquito Rivas, Moe Chulani, Carlos Gredonia, Atty. Marcus Andaya at Jojo Villa.

Ang unang babaeng national road commissaire ng Pilipinas na si Sunshine Joy Mendoza, ay nahalal bilang bagong miyembro ng board kasama si Erwin Bollozos.

Si Atty. Billy Sumagui ay na-reappoint muli na na secretary general.

Dinaluhan ni Philippine Olympic Committee (POC) membership chairman Bones Floro upang saksihan ang eleksyon at nagsilbi din na elections committee head sa halalan ng asosasyon na sumailalim sa istriktong health protocol sa East Ocean Palace restaurant sa Pasay City.

“I am looking at Clark or Subic for the national championships for road and Tagaytay City for BMX and mountain bike,” sabi ni Tolentino, na umaasang maisasagawa ang mga karera sa loob ng isang bubble environment kahit na wala pa ang inaasam na vaccine.

“If the PBA [Philippine Basketball Association] did it in Clark, we could do the same in the same venue, in Subic and Tagaytay,” sabi ni Tolentino, na kakapanalao lamang sa panibagong apat na taong termino bilang pangulo ng POC. (LIto Oredo)

The post Bambol nahalal muli na PhilCycling chief first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *