Bambol, mga katiket hinarang sa POC election: Carter idiskuwalipika dahil sa ‘acts of lasciviousness’

NAHALUNGKAT ang isang kasong kriminal na isinampa sa katiket ng kasalukuyan at tumatakbong Philippine Olympic Committee (POC) president na si Abraham “Bambol” Toletino para sa Executive Board director na si Philippine Judo Federation (PJF) president Dave Carter.

The post Bambol, mga katiket hinarang sa POC election: Carter idiskuwalipika dahil sa ‘acts of lasciviousness’ first appeared on Abante.

bambol mga katiket hinarang sa poc election carter idiskuwalipika dahil sa acts of lasciviousness - Bambol, mga katiket hinarang sa POC election: Carter idiskuwalipika dahil sa ‘acts of lasciviousness’
abante tolentino 2 - Bambol, mga katiket hinarang sa POC election: Carter idiskuwalipika dahil sa ‘acts of lasciviousness’

NAHALUNGKAT ang isang kasong kriminal na isinampa sa katiket ng kasalukuyan at tumatakbong Philippine Olympic Committee (POC) president na si Abraham “Bambol” Toletino para sa Executive Board director na si Philippine Judo Federation (PJF) president Dave Carter.

Ang ‘acts of lasciviousness’ case na nakatala sa National Bureau of Investigation (NBI) kontra Carter ay inaasahang isasampa sa nauna na isinumite na protesta kontra sa lima kataong kandidato na nasa panig ni Tolentino.

Kabilang si Carter sa limang kandidato na nasa petition for disqualifications sa POC elections.

Ang limang kandidato ay sina cycling president Abraham “Bambol” Tolentino, na hangad ang reelection bilang POC president, triathlon chief Tom Carrasco na nakatuon sa Chairman, gymnastics head Cynthia Carrion sa Treasurer at mga asam maging Board of Directors na sina Sailing president Dr. Raul Canlas at Carter.

Si Tolentino at Carrion ay sinabihan ng paglabag sa Olympic Charter at POC By-Laws at “bad faith in directing the affairs of the POC” dahil na rin sa pagtanggap ng malaking suweldo bilang opisyal ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na punto ng anomalya sa 30th SEA Games.

Nakatakdang magsagawa ang binuo ng POC na Electoral Committee ng krusyal na virtual hearing sa ganap na alas-4 ng hapon, Huwebes, upang resolbahin ang isinampang disqualification complaints sa nalalapit na POC election sa Nobyembre 27 sa hindi pa itinatakdang lugar.

Ang disqualification complaints ay dahil sa paglabag sa POC at International Olympic Committee (IOC) Charter pati na sa eligibility o status of membership in good standing ng kanilang national sports association sa POC.

Kabilang sa mga complainant sina Atty. Jesus Clint Aranas, Philip Ella Juico, Steve Hontiveros, Monico Puentebella, Charlie Ho, Julian Camacho, Robert Bachmann, Jeff Tamayo at Robert Mananquil, na lahat ay tumatakbo din sa mga posisyong nakataya sa Nobyembre 27 na eleksiyon.

Pinamumunuan nina Atty. Teodoro Kalaw kasama ang dating IOC representative to the Philippines Francisco Elizalde at University of the Philippines president Danilo Concepcion bilang members ang POC Electoral Commitee. (Lito Oredo)

The post Bambol, mga katiket hinarang sa POC election: Carter idiskuwalipika dahil sa ‘acts of lasciviousness’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *