Bambol concern sa bagyo, SEAG baka maapektuhan

Bambol concern sa bagyo, SEAG baka maapektuhan

NANGANGAMBA si Philippine Olympic Committee (POC) president at Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) Vice Chairman Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa mga hindi inaasahang panahon ng tag-ulan at pagdating ng mga bagyo na posibleng makaapek­to o makapigil pa sa pagsasagawa ng 30th Southeast Asian Games sa Disyembre.

bambol concern sa bagyo seag baka maapektuhan - Bambol concern sa bagyo, SEAG baka maapektuhan
tolentino 4 - Bambol concern sa bagyo, SEAG baka maapektuhan

NANGANGAMBA si Philippine Olympic Committee (POC) president at Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) Vice Chairman Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa mga hindi inaasahang panahon ng tag-ulan at pagdating ng mga bagyo na posibleng makaapek­to o makapigil pa sa pagsasagawa ng 30th Southeast Asian Games sa Disyembre.

Aminado si Tolentino na medyo nahuhuli ng konti ang preparasyon ng bansa sa mga gagamiting pasilidad at kung saan tinukoy nito ang natitirang tatlong delikadong buwan na panahon mismo ng tag-ulan na makakapigil at posible na makasira sa mga isinasagawang imprastruktura at binubuong mga competition venues.

“My concern is beyond our control,” sabi ni Tolentino. “SEA Games is in November. Dadaan pa iyung buwan mismo ng August, September at October.

Malalakas ang dumadaan sa atin na typhoons niyan. Sana lang, ‘di dumaan sa mga lugar na may ginagawa kasi masisira iyung naumpisahan na at masasayang ang pondong ginamit. Sana huwag, pero that’s my really big and only concern.” (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *