Bambol bumitaw bilang Phisgoc sports director

Unity ticket asam ni Bambol

OOKUPAHAN ng bagong Philippine Olympic Committee (POC) president at chief ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) na si Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang mas mataas na puwesto bilang vice chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc).

bambol bumitaw bilang phisgoc sports director - Bambol bumitaw bilang Phisgoc sports director
BAMBOL - Bambol bumitaw bilang Phisgoc sports director

OOKUPAHAN ng bagong Philippine Olympic Committee (POC) president at chief ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) na si Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang mas mataas na puwesto bilang vice chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc).

Sinabi ni Tolentino na kailangan nitong bitiwan ang dating hawak na puwesto bilang Phisgoc sports director dahil awtomatiko nitong uupuan ang posisyon ng Phisgoc vice chairman.

Ipinaliwanag ni Tolentino na dapat munang pagtuunan ng pansin sa kanyang mahigit isa’t kalahating termino bilang pangulo ng POC ang mga short term planning tulad sa SEA Games, Para Games, at ang 2020 Tokyo Olympics.

“Kalimutan muna natin ‘yung long-range planning, whatever plans or prog­rams that you have in mind. That’s not doable kasi very short lang ‘yung term,” sabi nito.

“Pipilitin nating maayos ito dahil ako po ay matagal nang nag-graduate sa mga kaguluhan,” sabi ni Tolentino, na isa ding three-term councilor, three-term mayor at kasalukuyang three-term congressman.

“Lahat ng gulo napasok ko na pero naayos ko naman. Kaya ‘yung last two terms ko as congressman, wala nang lumaban sa akin, and that shows that they have accepted my governance,” sabi nito. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *