Balinas Cup arangkada ngayon

LALAHOK sina Antonio “Tony” Carreon Balinas ng Antipolo City at Auckland, New Zealand-based Ceferino “Jun” Isaac Jr. sa 2019 Grandmaster Rosendo Carreon Balinas Jr. Chess Cup na tinampukang ‘Anvaya Cove Beach and Nature Club National Executive Grand Prix Rapid Chess Championships’ ngayong Sabado sa Anvaya Cove Beach and Nature Club, Molave and Narra function room sa Morong, Bataan.

balinas cup arangkada ngayon - Balinas Cup arangkada ngayon
chess 25 - Balinas Cup arangkada ngayon

LALAHOK sina Antonio “Tony” Carreon Balinas ng Antipolo City at Auckland, New Zealand-based Ceferino “Jun” Isaac Jr. sa 2019 Grandmaster Rosendo Carreon Balinas Jr. Chess Cup na tinampukang ‘Anvaya Cove Beach and Nature Club National Executive Grand Prix Rapid Chess Championships’ ngayong Sabado sa Anvaya Cove Beach and Nature Club, Molave and Narra function room sa Morong, Bataan.

Kilala sa tawag na Tony sa chess circuit na nakatatandang kapatid at trainer ni GM Rosendo C. Balinas, Jr., makikipagtagisan siya ng isip laban sa ibang batikang woodpusher.

Sa edad na 80, si Balinas ang pinakamatandang kalahok sa nasabing event.

Tubong Bacolod City, nag-6th overall si Balinas sa 1963 National Chess Championship na pinagharian naman ni Renato Naranja.

Isang Chess at Academic Scholar sa University of Negros Occidental Recoletos at schoolmate ng isa pang chess lover na si dating Senator Rene Saguisag.

Siya din ang kampeon sa Western Visayas Chess Championships-PRISAA chess meet.

Habang si Jun na nakatatandang kapatid naman ni ex-PBA player Leo Isaac ay nasa edad 76. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *