Balikat ni Romeo kumalas

HALOS isang linggo pa lamang ang nakakalipas ay unti-unting nababawasan ng manlalaro ang 12 koponan na nagsasagupa sa nagbabalik na 2020 Honda PBA Philippine Cup dahil sa pagdami ng bilang ng mga tinatamo na iba’t ibang injury.

The post Balikat ni Romeo kumalas first appeared on Abante.

balikat ni romeo kumalas - Balikat ni Romeo kumalas
romeo - Balikat ni Romeo kumalas

HALOS isang linggo pa lamang ang nakakalipas ay unti-unting nababawasan ng manlalaro ang 12 koponan na nagsasagupa sa nagbabalik na 2020 Honda PBA Philippine Cup dahil sa pagdami ng bilang ng mga tinatamo na iba’t ibang injury.

Pinakahuli sa nadagdag sa listahan ang San Miguel point guard na si Terrence Romeo na nagtamo ng pananakit sa kanyang kanang balikat sa laban nito kontra sa TNT Tropang Giga.

Nakapagtala pa si Romeo ng 11 puntos bago natigil sa paglalaro matapos bumangga na una ang balikat sa beterano na si TNT guard Ryan Reyes.

Paunang diagnosis sa dating scoring champion ay dislocated shoulder na nagtulak sa mga team official upang agad na itong dalhin sa malapit na Medical City Hospital para sa examination.

Sakaling hindi makapaglaro ay makakasama ni Romeo sa sideline ang six-time reigning MVP na si June Mar Fajardo na bagaman kasama ng koponan sa bubble ay hindi nakakapaglaro dahil sa injury sa offseason. (Lito Oredo)

The post Balikat ni Romeo kumalas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *