Balik sabong aprubado na

MAGANDANG balita, inanunsiyo kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na aprubado na ng Inter-Agency Task Force ang pag-operate ng sabong.

The post Balik sabong aprubado na first appeared on Abante.

balik sabong aprubado na - Balik sabong aprubado na
usapang ruweda 5 - Balik sabong aprubado na

MAGANDANG balita, inanunsiyo kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na aprubado na ng Inter-Agency Task Force ang pag-operate ng sabong.

Kumalat agad ang balita sa social media at naghayag ng masasayang komento ang mga sabungero.

Kailangan lang sundin ang ilalatag na health protocols at mga alituntunin sa loob ng sabungan sa “New Normal”.

“Salamat naman at dininig ng gobyerno ang hinaing namin at salamat sa mga breeder na nagpursige at gumawa ng paraan para ipaabot sa kinauukulan ang daing namin na sabungero.” hayag ni Juanito Dela Vega na isang backyard breeder sa Tarlac.

Maraming nahirapan sapul nang itigil ang sabong noong Marso dahil sa pag-atake ng COVID-19.

Mahigit 1,200 na lisensiyadong sabungan ang nagsara.

Papayagan ang pagbubukas ng sabungan sa mga lugar na nasa Modified General Community Quarantine, (MGCQ). (Elech Dawa)

The post Balik sabong aprubado na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *