Baha sinuong ni Abueva

WALANG keber sa baha.

baha sinuong ni abueva - Baha sinuong ni Abueva
abante calvin - Baha sinuong ni Abueva

WALANG keber sa baha.

Matikas man ay dedma at walang kaartehang lumusong sa baha si PBA star Calvin Abueva para makabili ng isda.

Sa Instagram story ni ‘The Beast’ ay makikitang walang paki itong naglakad sa tubigan upang mamalengke sa public market.

Habang suspendido pa kasi sa liga ang 32-anyos na cager ay busy ito sa pangungusina sa tinayong resto na ‘Dampa Ni The Beast.’

Bagama’t sandok at plato ang madalas ngayong hawak ni Phoenix Super LPG Fuel Master forward Calvin ay hindi ito nagpapabaya sa training sa basketbol para ready anumang oras sakaling kumumpas na at bigyan ng ‘go-signal’ ni PBA Commissioner Willie Marcial para maglaro. (Aivan Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *