Baguio, Lao, Soberano hindi sasama sa bubble

TATLO pang miyembro ng NLEX ang hindi na sasama sa Clark bubble ng PBA.

The post Baguio, Lao, Soberano hindi sasama sa bubble first appeared on Abante.

baguio lao soberano hindi sasama sa bubble - Baguio, Lao, Soberano hindi sasama sa bubble
Nlex - Baguio, Lao, Soberano hindi sasama sa bubble

TATLO pang miyembro ng NLEX ang hindi na sasama sa Clark bubble ng PBA.

Hindi pa makumpirma kung kumpleto na ang 15-man roster ng Road Warriors na isasabak sa Philippine Cup restart sa Oct. 11.

Si Road Warriors veteran sniper Larry Fonacier ang unang nag-abiso na hindi na lalaro sa bubble dahil may health issues daw ang asawa.

Sa Zoom press conference nitong Huwebes, sinabi ni commissioner Willie Marcial na wala pang ibang players na nag-beg off sa bubble.

“Hanggang kay Larry pa lang. Bukod du’n, wala na,” ani Marcial.

Pero may lumabas na balitang nag-desisyon daw si Cyrus Baguio, 40, na mag-pass na rin. Idinahilan ng 17-year veteran ang pamilya.

Ganito rin ang rason ni Kyles Lao.

Ang isa pang hindi nasama sa roster ng NLEX si rookie AC Soberano. (VE)

The post Baguio, Lao, Soberano hindi sasama sa bubble first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *