Bagong Karga!

IPINAGPAG ng defending­ champion Petron ang makukulit na Cignal squad 25-20, 18-25, 25-16, 16-25, 16-14 sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa Muntinlupa Sports Center.

The post Bagong Karga! appeared first on Abante News Online.

bagong karga - Bagong Karga!
Abante Petron - Bagong Karga!

Ni:Elech Dawa

Paat, Pontillas matibay; Petron binistay ang Cignal

IPINAGPAG ng defending­ champion Petron ang makukulit na Cignal squad 25-20, 18-25, 25-16, 16-25, 16-14 sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa Muntinlupa Sports Center.

Idineliber ni Frances Molina ang clutch hits para akayin ang Blaze Spikers sa makapigil-hiningang panalo sa torneong sinusuportahan ng Team Rebel Sports, SOGO, Eurotel, PCSO, Cocolife, UCPB Gen, Mueller, Senoh, Asics, Bizooku at One Sport.

Hataw si Molina ng 21 kills para tumapos ng 25 points para sa Blaze Spikers, na tumibay ang kapit sa second spot hawak ang 3-1 win-loss mark.
All-round game muli ang ibinigay ni Aiza Maizo-Pontillas para sa 11 markers, 24 digs at 11 excellent receptions sa Petron, habang sumahog ng 11 points si Toni Rose Basas.

Pinuri ni Petron coach Shaq Delos Santos ang katatagan ng mga player niya para tabunan ang four-set loss sa unbeaten leader F2 Logistics nitong Huwebes.

“Coming off a loss is just as hard and we can’t afford to lose back-to-back games if we want to build momentum early on the conference,” kwento ni Delos Santos, coach din ng ng national team sa 30th Southeast Asian Games.
“It’s a good wake up call for us, see what we need to work on, try to adjust to situations thrown at us and to remind ourselves that a three-peat won’t be given to us on a silver platter.”

Tabla sa 11-all sa fifth set, mukhang ididispatsa nang Cignal ang Petron nang umusad sa 13-11, bago dumiretso sa match point, 14-12.
Pero hindi yumuko ang battle-tested Blaze Spikers, nagtatangka ng ikatlong dikit na All-Fili­pino title, nang mag-4-0 rally sa likod ng mainit na mga palo ni Molina.

“It was a hard-earned win for us today, Cignal pushed us to the limit,” sabi pa ni Delos Santos. “But I’m happy that my team held on tight and didn’t crumble.”

Tumapos si team captain Rachel Anne Daquis ng 17 points habang si Mylene Paat ay tumulong ng 11 sa HD Spikers,­ nalasap ang unang talo sa tatlong salang.

The post Bagong Karga! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *