Bagong COVID banta sa Olympics

Humiling ang Tokyo Metropolitan Government sa pinakasentro ng gobyerno nito na magdeklara ng bagong state of emergency matapos ang biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

The post Bagong COVID banta sa Olympics first appeared on Abante.

bagong covid banta sa olympics - Bagong COVID banta sa Olympics
abante olypics 2 - Bagong COVID banta sa Olympics

Humiling ang Tokyo Metropolitan Government sa pinakasentro ng gobyerno nito na magdeklara ng bagong state of emergency matapos ang biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Iniulat ng pahayagang Nikkei Sabado ng umaga ang paghingi ng saklolo ng centerpiece city na maghohost sa dapat na 2020 Tokyo Olympics at Paralympic Games.

Nakatakda si Tokyo Governor Yuriko Koike na makipagpulong kay Economy Minister Yasutoshi Nishimura Sabado din ng hapon upang maipormalisa ang kahilingan, ayon sa Nikkei na tinukoy ang multiple sources.

Una nang tumanggi sa mga panawagan si Prime Minister Yoshihide Suga na mag-reinstate ng state of emergency, na unang isinagawa ng gobyerno noong Abril na unang pagbulusok at wave ng pandemic.

Ang bagong COVID-19 infections sa Tokyo ay umabot sa record na 1,337 kaso nito lamang Disyembre 31.

Hindi naman nagpahayag ang mga opisyales hinggil sa posibilidad na tuluyan nang makansela ang 2020 Summer Olympics, o opisyal na Games of the XXXII Olympiad, at mas kilala bilang Tokyo 2020, na isang international multi-sport event na nakatakdang isagawa sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8, 2021 sa Tokyo, Japan.

Orihinal itong itinakda noong Hulyo 24 hanggang Agosto 9, 2020 bago nakansela noong Marso 2020 sa loob ng isang taon dahil sa resulta ng COVID-19 pandemic. (Lito Oredo)

The post Bagong COVID banta sa Olympics first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *