Bagog taktika ng Celtics swak

ISANG hakbang na lang at sasampa na sa Eastern Conference Finals ang Boston Celtics matapos nilang tambakan ang Toronto Raptors, 111-89, sa Game 5 ng 2019-2020 NBA second round playoff kahapon.

The post Bagog taktika ng Celtics swak first appeared on Abante.

bagog taktika ng celtics swak - Bagog taktika ng Celtics swak
abante celtics - Bagog taktika ng Celtics swak

ISANG hakbang na lang at sasampa na sa Eastern Conference Finals ang Boston Celtics matapos nilang tambakan ang Toronto Raptors, 111-89, sa Game 5 ng 2019-2020 NBA second round playoff kahapon.

Nagkapit-bisig sa opensa sina Kemba Walker, Jalen Brown at Jayson Tatum upang iangat ang Boston sa 3-2 serye sa kanilang best-of-seven match.

Tumikada si Brown ng 27 points, may 21 si Walker habang double-double na 18 puntos at 10 rebounds ang kinana ni Tatum para sa Celtics na may tsansang tapusin ang series sa Game 6 sa Huwebes.

Abante muna ng 2-0 sa serye ang Celtics pero naitabla ito ng Raptors sa 2-2.

Nakakita ng adjustment si Boston head coach Brad Stevens sa Game 5 kaya naman madali nilang dinispatsa ang Toronto.

“There’s a lot bigger adversities in the world right now than losing a couple game in a row,” ani Stevens.

“We have a chance to hoop tonight and we’re going to go out there and give it our best shot. That’s what we’re going to do. Our guys are excited about that, excited to be here. Perspective is good.”

Namuno sa opensa para sa Raptors si Fred VanVleet na nagtala ng 18 markers. (Elech Dawa)

The post Bagog taktika ng Celtics swak first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *