Bad trip sa referee: Luka sinira

HINDI asindak si Luka Doncic sa pagbabalik ni Miami Heat star Jimmy Butler.

The post Bad trip sa referee: Luka sinira first appeared on Abante.

bad trip sa referee luka sinira - Bad trip sa referee: Luka sinira
heat 1 - Bad trip sa referee: Luka sinira

HINDI asindak si Luka Doncic sa pagbabalik ni Miami Heat star Jimmy Butler.

Kumayod si Doncic ng double-double 27 points at 15 rebounds para tulungan ang Dallas Mavericks na ilista ang 93-83 panalo laban sa Miami sa 2020-2021 NBA regular season game kahapon.

May sahog pang pitong assist, pinamunuan ni Doncic ang Mavericks para itarak ang 2-3 karta at ipalasap sa defending Eastern Conference champions Heat ang pangatlong talo sa limang laro.

Determinadong ipanalo ni NBA MVP early favorite Doncic ang Mavericks dahil kahit lamang sila ng 46-31, uminit ang ulo nito at ilang beses binulyawan ang referee.

Tinawagan ng technical foul si Doncic dahil sa inaangal nitong non-call sa kanya, hindi nito napigilan ang sarili at nasipa at nasira nito ang sideline video board.

Nanatili ang tikas ng Mavericks sa third period, hindi sila nagpabaya kaya lumobo ang kanilang lamang sa 20 puntos, 73-53, sa pagtatapos ng third period.

Sinabayan na lamang ng Dallas ang Heat sa fourth quarter kaya nakuha nila ang importanteng panalo.

Kumana si Bam Adebayo ng 19 markers at 11 boards para sa Heat habang dalawang puntos lamang ang inambag ni Butler. (Elech Dawa)

The post Bad trip sa referee: Luka sinira first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *