Bad news sa UAAP, NCAA

ISANG napakalungkot na balita sa UAAP at NCAA na ipagpaliban muna hanggang next year.

The post Bad news sa UAAP, NCAA first appeared on Abante.

bad news sa uaap ncaa - Bad news sa UAAP, NCAA
download 1 1 - Bad news sa UAAP, NCAA

ISANG napakalungkot na balita sa UAAP at NCAA na ipagpaliban muna hanggang next year.

Madaming student-athlete ang umaasa na matuloy pero dahil sa banta ng COVID-19, marami rin na ikinunsidera bago ito na-postpone.

‘Yung ginastos ng PBA sa bubble ay muntik nang umabot sa P100M sa Angeles, Pampanga.

Siyempre halos lahat ng eskwela ay lugi sa enrollment nitong taon.

Puro online classes lang at maraming huminto dahil nawalan ang mga magulang ng trabaho.

Isa pa sa mga casualty ay ang mga senior player na gustong magpakita sa huling taon nila ng paglalaro para maalala ang atleta ng media at magbigay ng magandang impact bago sila lumisan sa college o mag-pro.

Malaking bagay ang papel ng Inter Agency Task Force at GAB sa pagdesisyon ng amateur or college sports kung papayagan sila mag-resume.

Hindi tulad ng mga pro sports na PBA at NBL na nakapag-resume sa madaling panahon dahil sila ay nakapagprisinta ng mga air tight protocol para maiwasan ang paglaganap ng virus sa mga player.

***

Congrats sa champion Ginebra pati sa lahat ng nagtaguyod sa PBA Bubble, successful siya in a way na pwedeng tularan ng mga ibang sports league.

Mabuhay ka Comm. Willie Marcial and company.

Napakamahal lang ng gastusin sa bubble pero kung iisipin mo eh worth it ba kung buhay ng tao ang nakasalalay?

Paano pa din ‘yung mga sponsor na bumubuhay sa liga at TV?

***
Matinding dasal para sa ating lahat sa vaccine na mabigyan na tayo.

Tiwala sa gobyerno at pasensya lang dahil kaya natin itong pandemya kapag tayo ay nagtulanong tulong.

Ingat ingat pa rin mga ka-abante

The post Bad news sa UAAP, NCAA first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *