Babol trobol

NAPAKAGANDANG araw mga ka-Abante.

The post Babol trobol first appeared on Abante.

babol trobol - Babol trobol
defense minister jerry codinera 1 - Babol trobol

NAPAKAGANDANG araw mga ka-Abante.

Una sa lahat, maligayang kaarawan kay Mama Mary at pangalawa bumaba na ang datos ng COVID-19.

Masyadong malupet ang mga balita sa coach at team nitong mga nakaraang araw.

Simula sa pagre-resign ng premyadong coach ng UST men’s basketball team na si Aldin Ayo at mga ibang team o individual na nag-violate ng IATF protocols.

Marami akong tanong sa sitwasyon ng UST sa bubble, bakit umabot sa ganung kalagayan?

With coach Ayo’s experience in handling so many teams, wala pa tayong nabalitaang nagkaroon siya ng pagmamaltrato sa mga manlalaro.

Kung titignan natin ang mga team na pinanggalingan niya tulad ng Letran at La Salle.

Ang aking palagay ay baka oversight lang kay coach Ayo, it happens.

Si Ayo lang talaga ang makakasagot sa nangyari, three-termer si ‘Coach A’ as councilor kaya sanay sa constituents niya kumpara sa ilang bata lang ang dala niya na may mga concern.

Damay din ang mga team sa UAAP tulad ng UP at NU.

Ano ba ang tamang penalty o parusa sa mga team o individual na nag-violate ng protocols?

Sa ikabubuti ng mga liga dapat siguro na ayusin nila ang patakaran pagdating sa penalties and violation sa mga lumabag.

Sana magkaroon ng isang magandang pangkalahatang protocol para sa sports na susundin ng mga LGU.

Sa totoo lang ang daming bawal. Very discouraging, kailangan talaga ng creativity sa training, to a point na makaka-violate ka ng mga rule ng IATF.

The post Babol trobol first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *