Ayonayon may ibubuga sa Clark

May mawawala, may darating.

The post Ayonayon may ibubuga sa Clark first appeared on Abante.

ayonayon may ibubuga sa clark - Ayonayon may ibubuga sa Clark
tonite mark 2 - Ayonayon may ibubuga sa Clark

May mawawala, may darating.

Hindi man ngayon makakalaro si veteran Larry Fonacier ng NLEX Road Warriors sa Philippine Basketball Association (PBA) bubble sa Oktubre, umaasa si coach Yeng Guiao na mapapasakan ang butas ng rookie niyang si Mike Ayonayon.

Ayon nitong Lunes sa 61-anyos tactician, kayang punan ng dating Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Finals MVP ang slot ng dating Gilas player na si Fonacier.

“Marami kaming players, puro nga kami players,” ani Guiao. “Pero ang kukuha ng slot niya [Fonacier] si Ayonayon.”

Kahit baguhan, kumpiyansa siya sa kakayahan at maiaambag ni Ayonayon na naging malaking parte rin sa MPBL champion team San Juan Knights. (Aivan Denzel Episcope)

The post Ayonayon may ibubuga sa Clark first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *