Ayo pinagsaka ang mga player

NALINIS ang pangalan ni UST head coach Aldin Ayo sa kontrobersiyal na Sorsogon bubble ng Growling Tigers nang lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na wala itong nilabag.

The post Ayo pinagsaka ang mga player first appeared on Abante.

ayo pinagsaka ang mga player - Ayo pinagsaka ang mga player
Aldin Ayo 1 - Ayo pinagsaka ang mga player

NALINIS ang pangalan ni UST head coach Aldin Ayo sa kontrobersiyal na Sorsogon bubble ng Growling Tigers nang lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na wala itong nilabag.

Sa report ng Sorsogon Police, lumalabas na hindi sapilitan kundi kusang nagtungo sa kanyang farm ang mga atletang nasa hustong edad na para magsilbing mga working student at hindi student-athletes.

Libre ang pagkain at tirahan sa bukirin ng UST coach sa Capuy, Sorsogon. Kapalit ng pagtulong sa kanilang coach ay binibigyan sila ng allowance habang tengga pa sa paglalaro dulot ng pandemya.

Maging si Sorsogon Governor Chiz Escudero ay sumegunda sa pulisya at klinarong walang nalabag ang 42-anyos na tactician dahil bukod sa may basbas ng mga magulang ang mga player na magtungo sa farm ni Ayo ay may clearance din ang mga ito sa barangay/musinipalidad at nakasunod sa health protocols.

Nabatid pa na habang naghihintay ng ani ay pinapayagang maglaro ang mga player cager sa exclusive court ni Ayo kung saan individual training ang kanilang isinasagawa at hindi team practice. (Aivan Episcope)

The post Ayo pinagsaka ang mga player first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *