Ayo papalitan ni Manansala

PAPALITAN ni Jinino Manansala si Aldin Ayo bilang bagong head coach ng UST Growling Tigers.

The post Ayo papalitan ni Manansala first appeared on Abante.

ayo papalitan ni manansala - Ayo papalitan ni Manansala
abante ayo - Ayo papalitan ni Manansala

PAPALITAN ni Jinino Manansala si Aldin Ayo bilang bagong head coach ng UST Growling Tigers.

Ayon sa ulat na unang lumabas sa Spin.ph, si Manansala na ang magsisilbing kapalit ng kontrobersiyal na coach na si Ayo matapos magbitiw kasunod ng Sorsogon bubble.

Hindi naman na ito bago kay multi-titled mentor Jinino dahil kabilang na rin siya sa coaching staff ng Growling Tigers nitong nakaraang UAAP Season 82.

Napabalitang sasabak sana si Jinino bilang coach ng UST Tiger Cubs ngunit nang pumutok ang resignation ni Ayo sa Espana-based squad ay tinangka na rin nitong mag-apply sa na naiwang upuan ni Ayo.

Alumnus si Jinino sa nasabing eskuwelahan at naglaro ito sa ilalim ni coach Aric del Rosario taong 1999 hanggang 2003.

Hindi maipagkakailang magaling na mentor si Manansala dahil sumungkit ito ng maraming titulo para sa St. Clare na ginabayan nito sa NAASCU.

Siya rin ang nagpahinog ng talento nila Chris Bitoon at Aris Dionisio na ngayon ay ganap nang manlalaro sa PBA. (Aivan Episcope)

The post Ayo papalitan ni Manansala first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *