Arwind armas ng San Miguel

HABANG hindi pa makakabalik sa aksiyon ang six-time reigning Most Valuable Player (MVP) na si June Mar Fajardo, aakuin muna ng kapwa MVP niyang si Arwind Santos ang papel bilang main man ng koponan sa PBA Bubble sa Oktubre 11 sa Clark.

The post Arwind armas ng San Miguel first appeared on Abante.

arwind armas ng san miguel - Arwind armas ng San Miguel
abante santos - Arwind armas ng San Miguel

HABANG hindi pa makakabalik sa aksiyon ang six-time reigning Most Valuable Player (MVP) na si June Mar Fajardo, aakuin muna ng kapwa MVP niyang si Arwind Santos ang papel bilang main man ng koponan sa PBA Bubble sa Oktubre 11 sa Clark.

“Talagang playing weight pa rin sila,” pahayag ng eight-time champion coach na si Leo Austria sa Sports Page.

Walang poposteng 6-foot-10 June Mar, kanya-kanyang yakap sa sari-sariling papel sina Santos katuwang sina Alex Cabagnot, Chris Ross, Marcio Lassiter at Terrence Romeo.

Sina Mo Tautuaa at Russell Escoto ang inaasahang pupuno sa gitna.

“The good thing is, the players realized that they will play without June Mar, so everybody’s commitment is really there,” dagdag ni Austria.

“And I told them that this conference is a free-for-all, eh. Everybody’s vying for the championship, so expect a tough challenge mula sa bawat isa.”

San Miguel Beermen pa lang ang nasa win column ng Philippine Cup, nilampaso ang Magnolia 94-78 sa opening night ng Season 45 noong March 8.

Makalipas ang tatlong araw, kinansela ni commissioner Willie Marcial ang mga laro dahil sa coronavirus.

Ikinatuwa ni Austria na walang lumobo sa kanyang players kahit higit anim na buwang nagarahe.

Nabalian ng alulod si Fajardo noong February, sa susunod na season na ito makakabalik. (Abante Sports)

The post Arwind armas ng San Miguel first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *