Arum kay Casimero: Huwag kang atat!

Walang tigil ang bunganga ni reigning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero sa kababanat kay Top Rank Promotions chief Bob Arum.

The post Arum kay Casimero: Huwag kang atat! first appeared on Abante.

arum kay casimero huwag kang atat - Arum kay Casimero: Huwag kang atat!
casimero 1 - Arum kay Casimero: Huwag kang atat!

Walang tigil ang bunganga ni reigning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero sa kababanat kay Top Rank Promotions chief Bob Arum.

Para matigil ay nagsalita na si Arum, sinabi nitong maghintay dahil inaayos na nila ang laban nito kay World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) bantamweight champion Naoya Inoue.

Ayon kay Arum, malaki ang Casimero-Inoue fight inaasahang papatok sa takilya mula sa gate receipts hanggang sa pay-per-view kaya mas mainam kung hindi ito gagawin sa isang closed-door venue.

“He should be patient,” patungkol ni Arum kay Casimero.

Hindi pa pinapayagan ang live audience sa Las Vegas, Nevada na itinuturing na boxing hub sa Amerika.

Nasalto ang laban nina Casimero at Inoue noong Abril 25 dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic, idadaos sana ito sa Mandalay Bay Events Center sa Las Vegas.

Nakaraan lamang ay nag-post sa social media si Casimero at kinukulit si Arum na ilatag ang kontrata para matuloy ang laban nila ni Inoue. (Elech Dawa)

The post Arum kay Casimero: Huwag kang atat! first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *