Arozarena bida sa Game 4

WILD finish ang Game 4 ng World Series sa Globe Life Field.

The post Arozarena bida sa Game 4 first appeared on Abante.

arozarena bida sa game 4 - Arozarena bida sa Game 4
abnate tampa bays - Arozarena bida sa Game 4

WILD finish ang Game 4 ng World Series sa Globe Life Field.

Iginapang ng Tampa Bay Rays ang 8-7 laban sa Los Angeles Dodgers para ibuhol ang Series sa 2-2 Sabado ng gabi sa Arlington, Texas.

Nalusutan si Kenley Jansen ng walk-off single kay Brett Phillips sa bottom ninth kaya umiskor sina Kevin Kiermaier at Randy Arozarena.

Nawala ang one-run lead ng Dodgers dahil sa broken-bat single ni Kiermaier, sinundan ng walk ni Arozarena habang may two outs kaya sumalang sa at-bat si Phillips.

Sa 1-2 pitch, naka-single si Phillips sa right center at napakawalan ni Chris Taylor ang bola, sapat para ilista ang tying run.

Humaharabas na sa bases si Arozarena pagkatapos ng error, pero natisod naman siya habang palapit sa home plate. Kaya lang, nabitawan din ni Will Smith ang bola kaya umabot sa plate si Arozarena para sa winning run.

Sa Game 5 ngayon, starter ng Dodgers si Clayton Kershaw laban kay Tyler Glasnow ng Rays. (Vladi Eduarte)

The post Arozarena bida sa Game 4 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *