Ardina umangat, Guce bumagsak

ITINALA ni Dottie Ardina ang mahusay na laro sa tatlong araw nang magsumite ng even-par 72 para sa 220 at sumampa sa triple-tie 18th spot, habang ngarag na may 10-over 82-225 si Clariss Guce upang dumausdos sa anim na nasa ika-46 na puwesto sa penultimate round ng Carolina Golf Classic sa Pinehurst No. 9 Course sa North Carolina, United States nitong Biyernes (Sabado/Manila time).

The post Ardina umangat, Guce bumagsak first appeared on Abante.

ardina umangat guce bumagsak - Ardina umangat, Guce bumagsak
golf 2 - Ardina umangat, Guce bumagsak

ITINALA ni Dottie Ardina ang mahusay na laro sa tatlong araw nang magsumite ng even-par 72 para sa 220 at sumampa sa triple-tie 18th spot, habang ngarag na may 10-over 82-225 si Clariss Guce upang dumausdos sa anim na nasa ika-46 na puwesto sa penultimate round ng Carolina Golf Classic sa Pinehurst No. 9 Course sa North Carolina, United States nitong Biyernes (Sabado/Manila time).

Galing ang six-time Symetra Tour (ST) second placer 26-year-old Canlubang, Laguna pro na si Ardina sa 11 magkakabuhol sa 28th place, samantalang kabuhol ng lima sa ikalimang puwesto ng 30-anyos at tubong ‘Pinas pero nakabase na sa Estados Unidos na si Guce.

Mula sa dalawa, itinaas naman ni Ana Belac ng Slovenia sa six stroke lead ang pamumuno niya sa pagbabadya sa wire-to-wire win patungo sa final round sa torneong ikasiyam sa pinaigsi ng Covid-19 na 10-leg 15th ST 2020. (Ramil Cruz)

The post Ardina umangat, Guce bumagsak first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *