Ardina, Guce swak sa finals

PUMALO ng even-par 71 para sa two-day total 141 si Dottie Ardina, habang one-under 70 pa-142 si Clariss Guce nitong Sabado (Linggong oras sa Maynila) upang pumasok sa third at final round ng $175K 8th IOA Golf Classic 2020 sa Alaqua Country Club sa Longwood, Florida.

The post Ardina, Guce swak sa finals first appeared on Abante.

ardina guce swak sa finals - Ardina, Guce swak sa finals
abante gol - Ardina, Guce swak sa finals

PUMALO ng even-par 71 para sa two-day total 141 si Dottie Ardina, habang one-under 70 pa-142 si Clariss Guce nitong Sabado (Linggong oras sa Maynila) upang pumasok sa third at final round ng $175K 8th IOA Golf Classic 2020 sa Alaqua Country Club sa Longwood, Florida.

Wala ng pag-asa pa sa titulo ang dalawang pambato ng Pilipinas pero nakasigurado na sila ng cash prizes. Napag-iwanan na ng siyam na palo ang 26-anyos na beteranang pro mula sa Canlubang na si Ardina, samantalang 10 strokes ang US-based na Fil-Am na si Guce.

Bagong lider sa pentultimate round si Min-G Kim na may isa pang 66 (132) para sa one-stroke lead kina Paula Reto ng Africa (65-133) at American Haylee Harford (66-133) sa 107-player event na may 43 ang hindi nakapasok sa cutoff.

Ang three-day, 54-hole golfest ang warm up ni Ardina sa ikalawa niyang major event sa taong ito, ang 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) 2020-$4.3M KPMG Women’s PGA Championship sa Oktubre 8-11 sa Aronimink Golf Club sa Newtown Square, Pennsylvania. (Ramil Cruz)

The post Ardina, Guce swak sa finals first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *