Ardina babawi sa Symetra leg

Bumagsak si Dottie Ardina sa una sa dalawang Symetra Tour event buildup niya para sa KPMG Women’s PGA Championship, nang mag-35th place lang sa IOA Classic sa Longwood, Florida nitong Linggo.

The post Ardina babawi sa Symetra leg first appeared on Abante.

ardina babawi sa symetra leg - Ardina babawi sa Symetra leg
tonite adrina - Ardina babawi sa Symetra leg

Bumagsak si Dottie Ardina sa una sa dalawang Symetra Tour event buildup niya para sa KPMG Women’s PGA Championship, nang mag-35th place lang sa IOA Classic sa Longwood, Florida nitong Linggo.

May pagkakataon pa siyang makabawi patungo sa ikalawa niyang majors sa taong ito na nakatakda sa Oktubre 8-11 sa Pennsylvania, sa pakikipaghambalusan nila ni Fil-Am Clariss Guce bilang mga pambato ng Pilipinas sa Symetra Classic simula ngayong Huwebes sa Daytona Beach sa Fla. uli.

May dalawang miss cut stints at best tie ba 20th finish (Marathon Classic) sa LPGA Tour 2020 ang Canlubang pro veteran na si Ardina. Humanay siya sa 64th sa British Women’s Open sa Scotland nitong Agosto at nag-42nd sa Portland Classic dalawang linggo na ang nakararaan.

Kaya atat bumalikwas siya sa Classic para makakuha ng momentum pa-Women’s PGA kung saan makakasama niya naman dito ang bagitong kababayang si Bianca Pagdanganan. (Ramil Cruz)

The post Ardina babawi sa Symetra leg first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *