Araneta itinalagang 2020 Olympics Chef de Mission

Araneta itinalagang 2020 Olympics Chef de Mission

ITINALAGA ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang pangulo ng Philippine Football Federation (PFF) na si Mariano ‘Nonong’ Araneta Martes ng umaga bilang chef de mission ng Team Pilipinas na sasabak sa 2020 Tokyo Olympic Games.

araneta itinalagang 2020 olympics chef de mission - Araneta itinalagang 2020 Olympics Chef de Mission
araneta 1 - Araneta itinalagang 2020 Olympics Chef de Mission

ITINALAGA ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang pangulo ng Philippine Football Federation (PFF) na si Mariano ‘Nonong’ Araneta Martes ng umaga bilang chef de mission ng Team Pilipinas na sasabak sa 2020 Tokyo Olympic Games.

Inihayag ang pagkakapili kay Araneta sa harap ng kabuuang 35 nagsidalo na kapwa nito pangulo ng national sports association (NSA) sa isinagawang POC General Assembly sa Diamond Hotel.

Si Araneta ay dating miyembro ng national football team 1975-1985 matapos na maglaro sa youth team ng Barotac Nuevo at University of the Philippines.

Naglaro din ito para sa U-Tex, CDCP at Philippine Air Force Kasama ito sa Philippine squad noong 1977 at 1983 Southeast Asian Games. Kabilang din ito sa 1983 squad na nag­laro sa Asian football qualifiers para sa 1984 Summer Olympics. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *