Araña, Belga ‘nagtindahan’

Paniguradong hindi magugutom sina Rain or Shine players Ryan Araña at Beau Belga sa Pampanga para sa pagbabalik ng PBA.

The post Araña, Belga ‘nagtindahan’ first appeared on Abante.

arana belga nagtindahan - Araña, Belga ‘nagtindahan’
abante tindahan 2 - Araña, Belga ‘nagtindahan’

Paniguradong hindi magugutom sina Rain or Shine players Ryan Araña at Beau Belga sa Pampanga para sa pagbabalik ng PBA.

Sa Instagram post ni Belga Huwebes, pinakita niya ang kanilang mala-sari-sari store na setup para sa kanilang dalawang buwan na pananatili sa bubble.

Kumpleto ang supply ng dalawa, mula sa kape, inumin, cup noodles, biscuit, de lata, cooking oil pati na rin sa pakete ng shampoo.

“Araña-Belga Sari Sari store now open to serve,” biro ni Belga.

Didribol ang restart ng 45th PBA Philippine Cup elims sa October 11 kung saan naroon na ang 12 koponan sa kanilang hotel sa Clark. (Raymark Patriarca)

The post Araña, Belga ‘nagtindahan’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *