Aragones, 2 pa picharado sa Zambales Championships

MARKADO ang mga University of Perpetual Help System Dalta standout na sina Jerome Aragones, Eric labog, Jr. at Carl Zirex Sato pagsulong ng Grand Finals ng Gov. Amor Deloso National Age Group Chess Championships sa darating na April 4 hanggang 9 sa Zambales Sports Complex sa Iba, Zambales.

The post Aragones, 2 pa picharado sa Zambales Championships appeared first on Abante News Online.

aragones 2 pa picharado sa zambales championships - Aragones, 2 pa picharado sa Zambales Championships
abante mordido chess - Aragones, 2 pa picharado sa Zambales Championships

MARKADO ang mga University of Perpetual Help System Dalta standout na sina Jerome Aragones, Eric labog, Jr. at Carl Zirex Sato pagsulong ng Grand Finals ng Gov. Amor Deloso National Age Group Chess Championships sa darating na April 4 hanggang 9 sa Zambales Sports Complex sa Iba, Zambales.

Tutulak ng piyesa si Sato matapos manguna sa boys Under-20 division habang nakapasok sina Aragones at Labog nang maghari sa Under-16 at Under-18 sections sa Luzon qualifiers na ginanap sa Dasmariñas, Cavite.

Kasama ng tatlo ang teammates sa Perpetual Help na sina Ma. Angela Illustre na nagreyna sa girls’ U20 at John Marx Anastacio na nasilo ang third place sa boys’ U20 class.

Nakatakda rin bitbitin ni Labog ang Calabarzon sa Palarong Pambansa sa April 27 hanggang May 4 sa Davao City.

Ang nasabing six-day tournament na may basbas at suportado nina Gov. Deloso at Congressman Cheryl Deloso, National Chess Federation of the Philippines President Butch Pichay at Philippine Sports Commission chairman Butch Ramirez ay lalahukan ng 168 woodpushers na dumaan sa qualifying stages.

Dadalo sa ope­ning day sina Asia’s first Grandmaster Eugene Torre at country’s first Woman GM Janelle Mae Frayna.

Magkakaroon ng pagkakataon ang top three sa 14 divisions—boys at girls’ U20, U18, U16, U14, U12, U10 at U8 na i-represent ang Pilipinas sa ASEAN Age Group Championship sa Myanmar sa June kung saan nakataya doon ang FIDE Master, International Master at GM norms. (Elech Dawa)

The post Aragones, 2 pa picharado sa Zambales Championships appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *