Aquino magkukwento sa PSA Forum

Aquino magkukwento sa PSA Forum

BISITA si Gilas Pilipinas women’s team coach Pat Aquino sa weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes sa Amelie Hotel-Manila.

aquino magkukwento sa psa forum - Aquino magkukwento sa PSA Forum
patrick - Aquino magkukwento sa PSA Forum

BISITA si Gilas Pilipinas women’s team coach Pat Aquino sa weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes sa Amelie Hotel-Manila.

Nagpaunlak si Aquino na dumalo ulit sa sports session na piniprisinta ng San Miguel Corporation, Braska Restaurant, Amelie Hotel at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kahit kagagaling lang nito sa kampanya ng Gilas Pilipinas women’s squad sa taunang Jones Cup.

Tatalakayin ng champion­ coach ang unang sabak ng koponan sa nasabing cagefest na hino-host taon-taon ng Chinese Taipei pati ang nalalapit nilang pagsabak sa FIBA Women’s Asia Cup sa India ngayong darating na Setyembre.
Ang torneo ay unang qualification para sa FIBA Asia at sa FIBA Oceania para sa women’s basketball tournament sa 2020 Tokyo Olympics.

Inaanyayahan ang lahat ng mga miyembro ng PSA na dumalo sa 10am session.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *